Mapapansin natin ngayon ang pagsulputan ng samu't saring mga problema sa bansa. Kaya naman, hindi tayo dapat magtaka kung bakit hanggang ngayon, hindi natatapos ang rebolusyon at pakikibaka ng mga mamamayan: rebolusyon laban sa mga problemang hindi binibigyan ng solusyon, ang rebolusyon sa modernong panahon.
Rebolusyonista: Sa Modernong Pakikibaka
Sa makabago at modernong pakikibaka,
Sa ekonomiya sesentro ang aming reporma:
“Pagpaprayorita sa ating mga magsasaka”.
Sa kabila ng ating mga likas na yaman
At ang pagiging “agrikulturang bayan”,
Tayo’y nahaharap sa malaking suliranin
Ito'y ang problema at krisis sa pagkain.
Nasaan na kaya ang ibang lupang-sakahan?
Mayroon bang kumamkam nang hindi natin nalalaman?
Sa tingin mo may masasaka pa ba ang mga magsasaka,
Kung ang mga lupang-sakahan mismo ay mawawala na?
Nasaan na nga ba ang mga pagkain?
Diba't marami naman noon nito sa atin?
Kung likas na yaman lamang ang pag-uusapan,
Marami naman dapat ang Pilipinas diyan.
Ngunit bakit nga ba tayo nagkakaganito?
Palay at bigas unti-unting ngalalaho,
Pila ng mga tao'y umaabot hanggang Recto,
Makabili lamang ng bigas doon sa Antipolo.
Ano na ba ang nangyayari sa ating bansa?
Ganyan na ba tayo kahirap talaga?
'Sang-dosenang taong araw-araw pumipila
May maihain lamang sa kani-kanilang lamesa
Kaya naman siguro nagkakaganito
Dahil binabalewala lamang ito ng gobyerno
Sila! Sila ang dapat nating sisihin!
Dahil hinaing ng mga magsasaka'y hindi pinapansin
Ano bang ginagawa ng ating pamahalaan?
Pang-ilan ba ang mga magsasaka sa kanilang listahan?
Sa halip na mga magsasaka, iba ang inuuna
Kaya naman ngayon bawat isa’y nagdurusa.
Dapat mas bigyang pansin ng ating gobyerno
Ang pagpapaunlad at pagsuporta nito
Sa agrikultura at sa ating magsasaka
Upang sa gayun krisis ay agad maresolba.
Di na kakailanganin ng pamahalaan
Na umangkat ng bigas sa ibang bayan
At unti-unting sasagana muli ang bansa
Sa larangan ng agrikultura at pagsasaka.
Sa ganitong paraan, kahirapa'y unti-unting maiibsan
Krisis sa pagkain ay masusulusyonan
Kung kikilos tayo pati na ang gobyerno,
Uunlad muli ang ang bawat Pilipino!!!
2 (mga) komento:
Malikhain ang inyong paggawa ng ula na magsasalarawan ng pagbabagong nais ninyong makamit. Kung ang bawat Pilipino ay maghihintay ng isang bayaning mag-aalay ng buhay para sa pagbabago ng bansa - hindi tayo uunlad. Hindi tayo magiging malaya at kung buhay pa si Ninoy siguro pinagsisisihan na niya ang katagang - he Filipinos are worth dying for.
Ang inyong marka para sa blog entry na ito ay 19/20 o 1.25. Magaling!
Erratum: "Ula" ay "Tula", ypo error sa blogger!
Mag-post ng isang Komento