CLICK HERE FOR THOUSANDS OF FREE BLOGGER TEMPLATES »

Biyernes, Agosto 22, 2008

..rEpRodUcTiVe hEaLtH biLL..

Ang mundo ngayon ay humaharap sa problema ng paglaki ng kanyang populasyon. Halimbawa na dito ang Pilipinas na kung saan ang populasyon ay umaabot na sa mahigit na siyam na milyong katao, at malaking bahagdan nito ay mga kabataan o ang tinatawag na dumidependeng populasyon.

Upang malutas ang suliraning ito sa Pilipinas, ginawa ang “Reproductive Health Bill”, na may layuning ipaalam sa mga magulang at kabataang may edad 12 hanggang 18, ang tungkol sa sex education, reproductive health, at birth control o paggamit ng mga contraceptives, at ang mga kahalagahan nito.

Sa kabila ng layunin ng pagsasabatas nito, labis na tumututol ang simbahang Katoliko dito, partikular na sa sex education at paggamit ng contraceptives. Ayon sa simbahang Katoliko, ito'y hindi moral at labag sa utos o batas ng Diyos. Para sa amin, ang sex education ay hindi imoral na ituro sa mga kabataan, edad 12 hanggang 18, sa klase hangga't sa may patnubay ng guro. Ang paggamit ng contraceptives ay hindi masama dahil lahat ay may karapatan sa malayang pagpili, nasa sa tao ang desisyon sa paggamit nila nito. Pero sa kabilang banda, hindi namin sinasabi na huwag na lang makialam ang simbahang Katoliko tungkol dito. Para sa amin, maaari namang patnubayan ng simbahan ang pagtuturo ng sex education at paggamit ng contraceptives.

Naniniwala kami na magiging matagumpay ang “Reproductive Health Bill” sa pagkontrol ng paglaki ng populasyon ng Pilipinas kapag nagkaisa ang gobyerno at ang simbahang Katoliko.

4 (mga) komento:

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

a

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

bago ka magbigay ng opinyon about pagtutol ng cmbhan sa RH bill basahin mo muna ang RH bill at intindihin mo.

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

alam mo ba na ini-insist ng bill na 2 ang paggamit ng contraceptives? alam mo rin ba ang effects ng pills,iud,injectibles,etc.?
heto pa! it was stated that contraceptives are "essential medicines" for unwanted pregnancies or pregnancies, ano ba ibig sbihin ng medicine? d b mdcine is ntended to cure an illness/disease/sickness? therefore, sakit na pala ang pregnancy!!! hahaha
bakit dn nila tinutuon ang kahirapan ngayon sa pilipinas sa paglobo ng populasyon? nd b nila naisip ang bulok na pmamalakad ng pamahalaan. tingnan mo, ang laki ng ninakaw na pera dahil sa korupsyon. kung iisipin, lahat ng tao sana ay hindi mghihirap.
eto pa! mag aallocate cla ng npklaking fund pra s bill na 2 pra mkprovide ng contraceptives 4 every hospital, ano 2 katangahan! hindi na nga cla nkkprovide ng facilities s ospital at maraming ospital ang hindi nakkaccommodate ng mga tao dhil s kakulangan ng mga gmit png ospital tapos uunahin p nila itong mga "facilities" 4 this bill. wait k lang my idadagdag p aq...

valenradell ayon kay ...

Hotels near Lucky Creek Casino, Fort McDowell, OR
Hotels 1 - 12 of 73 — Looking 속초 출장샵 for hotels near Lucky 충청북도 출장마사지 Creek Casino, Fort McDowell, 광양 출장마사지 OR? Choose 인천광역 출장샵 from 제천 출장안마 109 hotels within a 15-minute drive, with recommendations,