CLICK HERE FOR THOUSANDS OF FREE BLOGGER TEMPLATES »

Huwebes, Oktubre 9, 2008

...aNo bA'ng pAkiRaMdaM???...







Ano nga ba'ng pakiramdam ng makaapak sa lugar na naging bahagi na ng ating kasaysayan?

Kakaiba ang aming naramdaman nang nakapunta kami sa makasaysayang lugar tulad ng MacArthur Park sa Palo, Leyte dahil bumabalik sa aming alaala ang mga pangyayari noon bago lumaya ang bansang aming sinilangan. Naisip namin kung paano naglaan ng pawis at nagbuwis ng buhay ang libu-libong mga Pilipino para sa kasarinlan ng Pilipinas. Naramdaman namin ang tuwa at paghanga sa mga tunay na bayani ng lahi. Tuwa sapagkat ang tinatamasa nating kalayaan ngayon ay utang natin sa kanila. Paghanga dahil tinupad ni Gen. Douglas MacArthur ang kanyang pangako na siya'y babalik na nagbigay daan sa pagkatalo ng mga mapangahas na Hapones.
Sa pamamagitan ng mga bakas na naiwan ng mga pangyayari noon, nananatili pa ring sariwa sa aming isipan ang mga naganap sa panahon ng pananakop ng Hapones hanggang sa paglaya ng ating bansang iniirog.
Namulat ang aming mga mata at nahabag ang aming damdamin nang kami'y nagbalik-tanaw sa nakaraan. Nawa'y maisapuso at tumatak sa isipan ng bawat Pilipino ang kahalagahan ng isa sa makasaysayang pangyayari na nakapagpabago sa kasaysayan ng Pilipinas at nakapagpa-alab ng damdaming nasyonalismo ng bawat Pilipino. :D


Kami'y nagbalik! Mabuhay tayong lahat!

...mGa nAgdAan, aTinG baLiKan...

Panahon Ng Hapon at ang Pagbabalik ni Gen. MacArthur

Ang Pangalawang Digmaang Pandaigdig ay maituturing na pinakamat Ang Pangalawang Digmaang Pandaigdig ay maituturing na pinakamatinding digmaang nangyari sa kasasayan ng Mundo. Ito ay matatawag na laban sa pagitan ng buhay at kamatayan. Noong Disyembre 8, 1941, pagkatapos ng pagbobomba ng mga Hapon sa Pearl Harbor, nagdeklara ng laban ang Pilipinas sa Hapon sa bandila ng Amerika.

Dahil sa pagkasira ng pinakamalaking base militar ng Amerika sa Hawaii, ang Pearl Harbor, unti-unting natalo ang pinagsamang tropa ng Amerkano at Pilipino, at unti-unti ring sinakop ng mga Hapon ang mga lalawigan sa Pilipinas. Maraming namatay at nasugatan, ngunit ito’y hindi naging dahilan upang mapawi ang alab ng mga Pilipino tungo sa tagumpay at tunay na kalayaan.

Noong ika-2 ng Enero, 1942, tagumpay na nasakop ng mga Hapones ang Lungsod ng Maynila. Sa paniniwalang hindi pa kayang matalo ang mga mananakop, tumakas si Manuel Quezon, Presidente ng Pilipinas nang nangyari ang pananakop ng mga Hapon, kasama si Sergio OsmeƱa, bise-presidente, papuntang Amerika noong gabi ng Pebrero 20, 1942. kasunod nito ang tuluyang pagbagsak ng Pilipinas sa kamay ng mga mananakop na Hapones.

Sa kautusan ni Presidente Roosevelt, tumakas papuntang Australya si Heneral MacArthur. At noong Marso 17, 1942, sinabi niya sa mundo ang mga katagang: “I came through and I shall return.”

Sa kabila ng matagumpay na pananakop ng mga tropang Hapones sa Pilipinas at sa pagtatayo nito ng bagong Republika ng Pilipinas, nakipaglaban pa rin ang mga sundalong Pilipino, at nag-alsa laban sa “Bagong Republika”.

Ang Pangalawang Digmaang Pandaigdig ay maituturing na pinakamat

Pagkalipas ng mahigit dalawang taon, mas lalong tumindi ang damdamin ng mga Pilipino na makamit ang tagumpay sa pagbabalik ni Heneral MacArthur sa Pilipinas. Sa lugar ng Palo, Leyte naganap ang makasasayang “Leyte Landing” noong ika-20 ng Oktubre, 1944, at dito binanggit niya ang mga katagang: “People of the Philippines, I have returned”.

Ang pagbabalik ni Heneral Douglas MacArthur
kasama sina Sergio Osmena at Carlos P. Romulo sa
Palo, Leyte noong Oktubre 20, 1944

Ang Pangalawang Digmaang Pandaigdig ay maituturing na pinakamat

Ginawa niyang base ang Tacloban City at tumuloy sa tinatawag ngayong “CAP Building”. Dineklara niya ang muling pagbuo sa Komonwelt at ang Tacloban bilang panandaliang capital.

Dala ang mga makabagong armas at mas malakas na hukbo, unti-unting natalo ang tropang Hapon, at sa makasasayang Leyte Gulf naganap ang isa sa mga pinakamalaking pagkatalo ng mga Hapones sa tropang Amerikano.

At noong Hulyo 5, 1945, tuluyang natalo ang tropang Hapones sa Pilipinas at muling naging malaya ang Pilipinas.

Dala ng pagbomba ng mga Amerikano sa Nagasaki at Hiroshima ng Japan gamit ang bomba atomika, tuluyang sumuko ang mga sundalong Hapones.

Pagkalipas ng ilang taon, bumalik ang mga Hapon sa Pilipinas, ngunit hindi na upang makipaglaban, ngunit upang bayaran ang mga naging kasiraan dulot ng digmaan at nangako ng pakikipagkaibigan. Nagtayo rin ng Ang Pangalawang Digmaang Pandaigdig ay maituturing na pinakamat mga rebulto ang mga Hapones simbulo ng pagkilala sa lakas ng loob at tapang na ipinakita ng mga sundalong namatay at nakaligtas sa labanan.

* * *

Linggo, Setyembre 14, 2008

Biglaang Pagkilos ng mga Katipunero Laban sa mga Mananakop . . . Sang - ayon ka Ba? . .


Kung ano man ang tinatamasa natin ngayon, iyon ay utang natin sa ating mga ninuno na nagalay ng kanilang buhay para makawala ang Pilipinas sa tanikala ng pagkakagapos mula sa mga dayuhan.

Balikan natin ang rebolusyong naganap noong 1896 sa pagitan ng mga Kastila at ng mga Pilipino sa pangunguna ng ating mga kilalang bayani ngayong tulad ni Apolinario Mabini, Juan Luna, Marcelo H. del Pilar at iba pa., kung saan ito ang nag – udyok at nagsilbing inspirasyonng mga sumunod na henerasyon ng mga Pilipino na makipaglaban para sa kalayaan ng lupang kanilang pinagmulan. Ayon kay Pio Valenzuela, malapit na kaibigan ni Jose Rizal, sinabi ng Rizal na dapat ay hindi nagpadaus – dalos ang mga katipunero na makidigma laban sa mga Kastila dahil sa kanilang kakulangan sa mga gamit pandigma at hini pa lubos ang tulong na ibinibigay ng mga Pilipinong may – kaya. Hindi rin siya sang – ayon sa biglaang pakikidigma ng mga Katipunero dahil nga hindi pa sila handa. Parang sila ay kumukuha ng isang mahabang pagsusulit na walang dalang papel at pansulat. Hindi nila alam ang mangyayari o ang magiging kinalabasan ng kanilang pakikidigma at wala silang kasiguraduhan kung mananalo nga sila o masasayang lang ang kanilang paghihirap at pagsasakripisyo para sa kalayaan ng bansanng iniirog. Pero bilib din naman ako sa katapangan at katatagan ng loob na kanilang ipinakita. Kaya bilang gantimpala, nanaig ang mga Pilipino laban sa mga Kastila.

Sa kabilang dako, sang – ayon ako sa biglaang pagkilos ng mga katipunan. Kung hindi sila agad kumilos para makipaglaban dahil nga lantad na ang kanilang kilusan, malaki ang posibilidad na sugpuin sila ng puwersang Kastila. Katulad ng nagyari noong Ikalawang digmaang pandaigdig kung saan nasakop ng bansang Hapon ang Pilipinas . Sa kabatiran ng mga Pilipino na lulusob ang mga Hapones sa Pilipinas, naghanda sila sa tulong ng puwersa ng Amerikano. Nagtagal ang kanilang paghahanda dahil wala silang tiyak na petsa kung kailan lulusob ang mga Hapones. Ang kinalabasan ay natalo ang puwersang Pilipino at Amerikano dahil sa hindi inaasahang maaagang paglusob ng mga Hapones. Kaya naging kawawa ang bansang Pilipinas sa ilalim ng pamamahala ng bansang Hapon.

Ito ang nais naming ipahiwatig hinggil sa maagang pagkilos ng mga Katipunero laban sa mga Kastila. Kung hindi nila ito ginawa, maaaring tumagal pa ang pamumuno ng bansang Espanya sa Pilipinas at maaari rin tayo ay nakagapos pa sa tanikala ng mga mananakop hanggang ngayon. . .

Sabado, Setyembre 13, 2008

...kAmi biLanG mGa maKabAgOnG rEboLusYonisTa..

Rebolusyon sa Modernong Panahon
“Rebolusyonista, sa Modernong Pakikibaka”
“Rebolusyonista, sa Modernong Pakikibaka”
Noong unang panahon, panahon na kung saan tayo'y alipin pa sa sarili nating bayan, marami ang nalikhang rebolusyon dahil sa pagnanais nating mga Pilipino na makamit ang kalayaang sa ati'y kinuha at upang maipaglaban ang katotohanan at kung ano ang nararapat. Ngayong tayo ay malaya na sa kamay ng mga dayuhang sa ati'y minsa'y nanakop, masasabi ba nating tapos na rin ang rebolusyon?

Mapapansin natin ngayon ang pagsulputan ng samu't saring mga problema sa bansa. Kaya naman, hindi tayo dapat magtaka kung bakit hanggang ngayon, hindi natatapos ang rebolusyon at pakikibaka ng mga mamamayan: rebolusyon laban sa mga problemang hindi binibigyan ng solusyon, ang rebolusyon sa modernong panahon.

Bilang mga makabagong rebolusyonista, sa pamamagitan ng isang tula, aming ipapakita ang aming pakikibaka tungkol sa isa sa mga suliraning kinakaharap ng ating bansa. Alam naman natin siguro na ang bawat problemang ito'y hindi lamang basta-basta, kaya naman kailangan itong bigyang pansin at masolusyunan agad, hindi lamang ng mga Pilipino, kundi ng gobyerno na rin mismo!

Rebolusyonista: Sa Modernong Pakikibaka


Kung kami’y mga rebolusyonista
Sa makabago at modernong pakikibaka,
Sa ekonomiya sesentro ang aming reporma:
“Pagpaprayorita sa ating mga magsasaka”.


Sa kabila ng ating mga likas na yaman
At ang pagiging “agrikulturang bayan”,
Tayo’y nahaharap sa malaking suliranin

Ito'y ang problema at krisis sa pagkain.

Nasaan na kaya ang ibang lupang-sakahan?
Mayroon bang kumamkam nang hindi natin nalalaman?
Sa tingin mo may masasaka pa ba ang mga magsasaka,
Kung ang mga lupang-sakahan mismo ay mawawala na?


Nasaan na nga ba ang mga pagkain?
Diba't marami naman noon nito sa atin?
Kung likas na yaman lamang ang pag-uusapan,
Marami naman dapat ang Pilipinas diyan.


Ngunit bakit nga ba tayo nagkakaganito?
Palay at bigas unti-unting ngalalaho,
Pila ng mga tao'y umaabot hanggang Recto,
Makabili lamang ng bigas doon sa Antipolo.


Ano na ba ang nangyayari sa ating bansa?
Ganyan na ba tayo kahirap talaga?
'Sang-dosenang taong araw-araw pumipila
May maihain lamang sa kani-kanilang lamesa


Kaya naman siguro nagkakaganito
Dahil binabalewala lamang ito ng gobyerno
Sila! Sila ang dapat nating sisihin!
Dahil hinaing ng mga magsasaka'y hindi pinapansin


Ano bang ginagawa ng ating pamahalaan?
Pang-ilan ba ang mga magsasaka sa kanilang listahan?
Sa halip na mga magsasaka, iba ang inuuna
Kaya naman ngayon bawat isa’y nagdurusa.


Dapat mas bigyang pansin ng ating gobyerno
Ang pagpapaunlad at pagsuporta nito
Sa agrikultura at sa ating magsasaka
Upang sa gayun krisis ay agad maresolba.


Di na kakailanganin ng pamahalaan
Na umangkat ng bigas sa ibang bayan
At unti-unting sasagana muli ang bansa
Sa larangan ng agrikultura at pagsasaka.


Sa ganitong paraan, kahirapa'y unti-unting maiibsan
Krisis sa pagkain ay masusulusyonan
Kung kikilos tayo pati na ang gobyerno,
Uunlad muli ang ang bawat Pilipino!!!


“Rebolusyonista, sa Modernong Pakikibaka”

Biyernes, Agosto 22, 2008

..rEpRodUcTiVe hEaLtH biLL..

Ang mundo ngayon ay humaharap sa problema ng paglaki ng kanyang populasyon. Halimbawa na dito ang Pilipinas na kung saan ang populasyon ay umaabot na sa mahigit na siyam na milyong katao, at malaking bahagdan nito ay mga kabataan o ang tinatawag na dumidependeng populasyon.

Upang malutas ang suliraning ito sa Pilipinas, ginawa ang “Reproductive Health Bill”, na may layuning ipaalam sa mga magulang at kabataang may edad 12 hanggang 18, ang tungkol sa sex education, reproductive health, at birth control o paggamit ng mga contraceptives, at ang mga kahalagahan nito.

Sa kabila ng layunin ng pagsasabatas nito, labis na tumututol ang simbahang Katoliko dito, partikular na sa sex education at paggamit ng contraceptives. Ayon sa simbahang Katoliko, ito'y hindi moral at labag sa utos o batas ng Diyos. Para sa amin, ang sex education ay hindi imoral na ituro sa mga kabataan, edad 12 hanggang 18, sa klase hangga't sa may patnubay ng guro. Ang paggamit ng contraceptives ay hindi masama dahil lahat ay may karapatan sa malayang pagpili, nasa sa tao ang desisyon sa paggamit nila nito. Pero sa kabilang banda, hindi namin sinasabi na huwag na lang makialam ang simbahang Katoliko tungkol dito. Para sa amin, maaari namang patnubayan ng simbahan ang pagtuturo ng sex education at paggamit ng contraceptives.

Naniniwala kami na magiging matagumpay ang “Reproductive Health Bill” sa pagkontrol ng paglaki ng populasyon ng Pilipinas kapag nagkaisa ang gobyerno at ang simbahang Katoliko.

Lunes, Agosto 18, 2008

...aNg PiLiPiNas...

Pilipinas, Bakit Ka Nagpadayuhan?!


Kung ating pupunain, bakit nga ba nasakop ang Pilipinas ng mga dayuhang Espanyol? Siguro ang tanong na ito ay naiisip ng bawat isa sa atin. Bakit nga ba?


Kilala tayong mga Pilipino sa buong mundo sa taglay nating hospitalidad. Isa it sa mga dahilan kung bakit maraming mga dayuhan ang pabalik-balik sa ating bansa. Ngunit ano nga ba ang nagawa ng ating hospitalidad at pagkakahumaling natin sa mga bagay-bagay sa panahong dumating ang mga Espanyol sa ating bansa? Malungkot mang isipin pero totoo na ang hospitalidad ng mga Pilipino noon ay ginawang instrumento ng mga Espanyol para masakop ang Pilipinas. Ito ang pinakaepektibo na sandata o paraan ng mga Espanyol upang maisakatuparan ang kanilang hangarin sa bansang Pilipinas.


Ang mga Pilipino ay palakaibigan at madaling mahumaling sa mga bagay kaya't sinamantala ito ng mga dayuhang Espanyol. Ang pagkakaroon ng mabuting relasyon sa pagitan nina Magellan at ni Kulambo sa Limasawa, ni Humabon sa Cebu, at sa Pagitan ni Legaspi at ni Urrao ng Samar, ni Katuna at ni Gala ng Bohol ay patunay lamang na malugod ang pagtanggap ng mga Pilipino sa mga Espanyol. Lumaki ang tsansa ng mga Espanyol na pamahalaan ang Pilipinas nang magawa nilang kunin ang suporta ng mga pinuno sa ilang bahagi ng bansa sa pamamagitan ng paghikayat sa kanila na hindi sila masasangkot sa polo y servicios at pangongolekta. Naghanda rin sila ng mga handog para sa mga Pilipino. Bilang tugon, malugod nilang tinanggap ang mga ito. Dahil nakuha na ng mga Espanyol ang tiwala ng mga Pilipino, nagawa na nilang matupad ang kanilang tunay na hangarin na palaganapin ang Kristiyanismo sa Pilipinas at ang lihim na motibo nitong sakupin ang Pilipinas.


Napakalungkot ng sinapit noon ng mga Pilipino dahil ang napakagandang ugali nila, ang hospitalidad, ang siyang nagluklok sa kanila patungo sa mga paghihirap at pagsasakit. Bakit hinayaan natin noon na ito pa ang siyang magiging dahilan ng ating pagkasira?

Ngunit sa kabila ng lahat ng ito, nananatili pa rin sa ating mga Pilipino ang hospitalidad na talaga namang hinahangaan at tinitingala ng mga dayuhan.


* * *



Moro, Saludo Kami Sa 'yo!




Sa kabila ng matagumpay na pananakop ng Espanyol sa Pilipinas, nagawa pa rin ng ilang Pilipino na tanggihan ang kanilang hangarin. Partikular na dito ang mga Moro. Bago pa dumating ang mga Espanyol sa ating bansa, pinamamahalaan na ng mga Muslim ang bahagi ng Mindanao, Sulu, Tawi-tawi, Basilan at Palawan. Sila ay may ugnayan na rin sa ibang bansa gaya ng Tsina sa aspetong pangangalakal. Ang kanilang sistema ng pamamahala ay maituturing na maayos at organisado at siyang naging dahilan kung bakit nagawa pa rin ng mga Moro na mapanatili ang kanilang kinalalagyan at pagkakakilanlan sa kabila ng mga atake na ginawa ng mga Espanyol sa loob ng ilang dekada.

Nang dumating si Magellan sa Pilipinas, gumagawa na ng paraan ang mga Sultan ng Sulu at Maguindanao para mapalawak ang kanilang nasasakupan patungo sa bahaging hilaga ng bansa. Ngunit dahil sa matinding puwersa ng mga Espanyol, nagawa nilang kalabanin ito pero hindi ito naging madali para sa kanila dahil humarap muna sila sa mga madudugong labanan. Sa katunayan, kung hindi dumating ang mga Espanyol sa ating bansa, posible na ang Pilipinas ay isa na ngayong bansang Islam.

Pinilit ng mga Espanyol na sakupin ang bahagi ng Mindanao at Sulu. Ito ang nagbigay-daan kung bakit nagkasundo ang Sultan ng Sulu at Sultan ng Maguindanao at nagdeklara sila ng jihad(banal na labanan) laban sa mga Espanyol. Inatake ng mga Muslim ang mga lugar sa Luzon at Visayas na nasa ilalim ng pamamahala ng Espanyol. Bilang ganti ng mga Espanyol sa kanila, nagsagawa sila ng maraming hakbang laban sa mga Muslim para masakop nila ang mga bahaging timog ng bansa ngunit hindi ito naging matagumpay hanggang sa magwakas ang pamamahala ng Espanyol sa ating bansa. Kaya hanggang ngayon, nananatili pa rin ang tunay na pagkakakilanlan ng mga Muslim o Moro sa bansang Pilipinas at pinanindigan nila ang tunay na sila.

* * *






buhay mo NGAYON ...

... o buhay mo NOON?


Sa aming pananaw, ang pagsasakripisyo ng buhay namin sa ngayon para maranasan ang buhay sa panahon ng pamamahala ng Espanyol sa Pilipinas ay isang malaking pagkakamali.


Labis ang masamang pagmamaltrato ng mga Espanyol noon sa mga Pilipino. Karamihan nga dito ay hindi makatao at hindi makatarungan. Grabe ang mga paghihirap na dinanas noon ng mga kasamahan nating Pilipino. Hindi sila malaya sa sarili nilang bansa.


Umpisahan natin sa pagsibol ng polo y servicios kung saan sapilitang pinapatrabaho ang mga Pilipino kahit sa murang taong gulang pa lamang. Ginagawa nila ito hindi para sa sarili nila kundi para sa kanilang malulupit na Kastilang amo. Ang iba nga ay malungkot ang sinasapit dahil nalalayo sila sa kanilang pamilya. Napakalabis ng kalupitang ito at kagahaman ng mga Espanyol sa mga Pilipino.


Ang sistemang encomienda ay nagpapakita rin ng pagmamalupit sa mga Pilipino. Ang encomendero ay nangongolekta ng ginto, pera o mga produkto mula sa mga Piipino. Kapag hindi sila makabayad ay sapilitan silang pinapatrabaho. Isa pang nakapanlulumo ay ang kapangyarihan ng encomendero na taasan ang halaga ng kanyang kokolektahin mula sa mga Pilipino. Paano na ang mga Pilipino na hindi sapat ang kanilang maibibigay o walang maibigay? Kaawa-awang mga Pilipino, nagpapakahirap sa sarili nilang bansa.


Ang pagpataw rin ng buwis samga produkto, ang pagpapatupad ng cedula at ang mga panloloko ng mga Espanyol sa mga Pilipino noon ay hindi makatarungan. Parang walang hustisya sa panahon noon.


Kung sa panahon ngayon ay malaya ang mga Pilipino na makisangkot sa mga usaping pampulitikal, noon ay wala talaga ang mga Pilipino pagdating sa bagay na ito dahil ang mga namumuno noon at nasasangkot sa mga pampulitikal na bagay ay tanging mga Espanyol lamang.


Sa usaping edukasyon, may mga paaralan noon ngunit ito ay para lamang sa mga kabataang Espanyol. Nawala na ng karapatang ng bawat Pilipno na makapag-aral. May mga paaralang sumibol para sa mga Pilipino ngunit hindi ito naging makatarungan sa mga Pilipino. Nakaranas sila ng diskriminasyon at pananapak ng katauhan ng mga Pilipino mula sa kanilang mga guro.


Kung ikukumpara natin ang lahat ng ito sa kasalukuyng panahon, malaki talaga ang pagbabago. Kung sa panahon noon ay hindi malaya ang mga Pilipino sa aspetong sosyal, ekonomikal, pulitikal, at edukasyunal, sa ngayon ay nagagawa natin ang anumang bagay na ninanais natin. Hindi tayo nakararanas ng mga pagmamaltrato, pagmamalupit at lalung-lalo na ang paghihirap at pagsasakit na dinanas noon ng mga kasamahan nating Pilipino. At hindi tayo nagsisilbi at kumikilos para sa kapakanan ng iba kundi para sa atin at sa kapwa nating mga Pilipino. Sa kabuuan, malaya tayo ngayon sa kabila ng mga problemang tinatamasa natin kaysa sa panahon noon na walang katarungan sa mga mata ng mga Espanyol.


Ito ang mga dahilan kung bakit hindi namin nanaisin na ipagpalit ang buhay namin para maranasan ang malupit na buhay sa ilalim ng mga dayuhang Espanyol.



* * *

Martes, Hulyo 29, 2008

...baGobo, aTin 'to...

...Kasaysayan...

Ang “Bagobo” ay nagmula sa salitang “bago”(new) at “obo”(growth). Ito ay isang tribo na kung saan ang pinagmulan ay nag-ugat sa mga taong nagdala ng Hinduismo sa Mindanao sa panahon ng pananakop ng Imperyong Sri Vijayan at Majapahit. Ang mga dayuhang ito ay nakihalubilo sa mga taong dati nang nakatira roon hanggang sa sila'y makabuo ng isang panibagong lipunan. At, sila nga'y tinawag na Bagobo na sa madaling sabi ay nangangahulugang pagsibol ng bagong lipunan.


...Katangian...

Ang mga Bagobo ay may malalapad na mukha, kayumangging balat, at itim na buhok na may pagkakulot. Ang kanilang mga mata ay malaki ng konti at ang kanilang kilay ay manipis ang pagkakaahit. Ang karaniwang taas ng mga lalaking Bagobo ay 5'3” habang ang mga babae naman ay 5'0”.


...Ang mga Bagobo...

Ang mga Bagobo noon ay nahahati sa dalawang grupo ayon sa lugar ng kanilang tinitirhan at sa maliliit na pagkakaiba sa kultura. May mga makikita sa bundok at mayroon ding malapit sa baybaying-dagat. Ngunit nang naimpluwensyahan ang mga nakatira sa baybaying-dagat ng Kristiyanismo, plantasyon, at mga Bisayang nakatira rin sa baybaying-dagat, nagtungo sila sa mga bundok na kung saan nakatira ang ibang mga Bagobo, at doon sila nanirahan hanggang sa naging isa na lamang sila. Ang pangunahing pinagkukunan nila ng kabuhayan ay ang pagsasaka tulad ng palay, kamote, at iba pa. Kumukuha rin sila ng pagkain mula sa pangingisda at pangangaso. Ang mga Bagobo ay itinuturing na pinakamakulay na tao sa Pilipinas dahil sa kanilang kasuotan na karaniwang gawa sa abaka na dinisenyuhan ng mga makukulay na tela at mga beads. Gumagawa din sila ng mga bagay na gawa sa metal tulad ng brass, bronze at iron. Ang mga Bagobo ay kilala sa kanilang maliliit na mga bells na nakakabit sa kanilang kasuotan. Naniniwala sila sa mga makapangyarihang nilalang na nakatira sa kalangitan, at mga Diyos at Diyosa o mga Diwata na may kapangyarihang magbigay ng mga kaparusahan at kamatayan sa mga taong nagkasala. Kilala rin sila sa kanilang mga epikong tula na tinatawag na tuwaang.


Tunay nga namang maipagmamalaki ang mga Bagobo dahil sa kabila ng kahirapang dinaranas nila kung ikukumpara sa iba, marami pa rin sa kanila ang kontento na sa kung anong mayroon sila at sa kung ano sila ngayon. Mga Bagobo, tunay ngang mga Pilipino!!!